

Laro o Aral: Oras ang Nasasakal
ni Isko Moreno
Bilang estudyanteng atleta, di maiiwasan na minsan ay umaabot sa puntong kinakailngan ng pumili. Sa umagang Lubos-lubos na pagod ang naibubuhos sa pag-eensayo, at mga gabing ginugugol ang oras para sap ag-aaral. Sa likod ng kanilang lakas at tapang, ano nga ba ang nararapat na unahin ng mga estudyanteng nagrerepresenta ng paaralan, aral o laro?
Hindi nab ago ang kuwento ng atletang papasok sa klase na pagod mula sa training o pagpupuyat para makahabol sa takdang-aralin. May mga nanalo sa court ngunit hirap sa silid-aralan. Sa ganitong kalagayan, unti-unting nauubos ang oras na dapat ay para sa pagpahinga at pagkatuto.
Ang tunay na problema ay hindi lamang pagod kundi kakulangan ng sistemang gumagabay. Dapat may maayos na ugnayan ang coach at guro. Dapat planado ang training na hindi sumasabay sa oras ng klase. Kailangan din ng akademikong tulong para sa mga atletang nahihirapan humabol sa leksiyon.
Kung tunay nating pinapahalagahan ang paklakasan, dapat ding bigyang halaga ang edukasyon ng mga batang nagdadala ng pangalan ng paaralan. Ang tagumpay ay hindi lang nakikita sa medalya kundi sa kakayahan nilang maging atleta at mag-aral ng sabay.
Sa huli, ang isang panalo ay hindi dapat kapalit ng pagod na lampas sa kaya. Kung nais nating umangat ang kanilang talent, magmula ito sa balanseng oras at tunay na suporta.Sa ganitong paraan, mas nagiging makahulugan ang bawat tagumpay na kanilang ipinapaglaban.