Ganti ng Api. 

ni Chavit Sison

Kung ang sarili ay nasaktan, ang paghihiganti ay isa mga natural na reaksyon ng mga nilalang. Ngunit paano na lang kung isang ina ay saan nagkasala? Ina na binibigay lahat ng walang pag-aalinlangan — ang kalikasan. Cebu, naggagandahang mga pook at pasyalan ay dito matatagpuan, ngunit sa mga lupain ng isang bundok ay may isang pwersa ng kadiliman, na kumalbo sa isang bulubundukin upang maging bahayan. Sa paglipas ng oras, naging isang pasyalan, hanggang napuno ang kalikasan — gumanti at nagbigay ng kamalasan. 

Ang mga puno ay humiga dulot ng mga taong mapaminsala, napapanahon na subdibisyon sa mga mamamayan sa lugar ng Guadalupe sa Cebu, at isang bulubundukin na hindi maberdeng kagubatan ang makikita, kundi ang Monterrazas — na nagbigay ng pinsala. Kung ilan ang punong nasira, ganun din karami ang mga poste sa mga kalye na tumumba, at kung gaano katagal ang pagkasira sa kalikasan, ay ganun din kabilis ang pagdating ng peligro sa mga mamamayan.

Monterrazas, kung paano binago ang isang bulubundukin sa Cebu, ganon din kalakas ang mga bawi ng isang inabuso. Inang Kalikasan, ang  pagkakamali ng mamamayan ay pinatawan ng aksyon, pinatawan ng hatol na nagdulot ng mga peligro, at sa isang iglap — ang ganti ng naapi ay malawakang nakita ng mga tao. 

Scroll to Top