

Peste na Sumisira, Lumantad sa Gitna ng Trahedya
ni Chavit Sison
Nakakita ka na ba ng Anay? Mga maliliit na pesteng nasa bahay-bahay na sumisira ng mga kagamitan, mga namumuhay at sumisira sa kaloob-looban. Ngunit ang mga pesteng ito ay hindi lang nakikita bilang maliliit at hindi nakikita, kundi isang subdibisyon — at na isang lugar ay sumira. Mga “pesteng” nabubuhay ng mahiwaga sa mga unang pagsulyap ng mga mata, ngunit tulad ng mga pesteng ito, sa hibla ng oras ay malalaman rin ang mga totoo.
Mga pesteng nakatira sa mga bundok-bundok sa Barangay ng Guadalupe, mga pesteng sumisira, hind sai isang piraso ng kahoy, ngunit ang isang malawak na kagubatan sa kabundukan. Ngunit ang pagsira ng isang pesteng ito ay mabilis na parang bula, naninira hindi lang sa mga puno, kundi rin sa mga buhay ng mga tao.
Pesteng busog sa mga nasira, sa lawak sa hindi kumukulang na 18,456 cubic meter na kalupaan ay parang nawala, na ang isang maberdeng at masaganang kalupaan ay tila naging kalbo na, at ang pesteng nabubuhay sa ilalim ng mga bakas ng pagkasira ay nabubuhay ng mapayapa. Sa ilang taon, tumindig ang isang pundasyon — ngunit sa bilis kung paano ito nabuo, ay siya ring tulin kung paano ito guguho
Ngunit mula nga sa isang kataga sa ingles, “You reap , what you sow”, ang mga pesteng ito ay natagpuan ng ang bakas ng kalupitan, ay bumalik sa kanilang pinagbabahayan. Isang bagyo lang pala ang kailangan upang ang pesteng ito ay lumabas na sa mga tao, at ngayon ay makakuha ng sala, at ang kanilang mga buhay rin ang masisira.