

Pagputol ng mga puno, nakakaalerto
ni Vico Sotto

Nagiging sentro ng kritisismo ang pagputol ng mahigit 700 puno sa Monterrazas de Cebu, na sinasabing nagpalala sa peligro ng pagguho at pagbaha sa lugar.
Ayon sa ilang environmental groups, ang biglaang pagnipis ng vegetation cover ay nagdulot ng mabilis na paggalaw ng lupa, lalo na sa mga date nang sensitibong bahagi ng komunidad.
Marami ang nananawagan ng imbestigasyon hinggil sa umano’y paglabag sa cutting permit at kulang na pangangalaga sa watershed area.
Dahil dito, inilalapit ng mga residente at aktibista sa lokal na pamahalaan ang panawagang dapat umanong itanim muli ang katumbas at higit pa sa bilang ng mga punong pinutol.
Sinasabing ang reforestation ay hindi lamang tugon sa pagkasira ng kalikasan kundi mahalagang hakbang upang maiwasan ang mas matinding sakuna.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung may pananagutan ang mga developer, ngunit malinaw na kailangan ang agarang rehabilitasyon.