Walang Imposible sa Taong Nagpupursige

ni Isko Moreno

Rumaragasang tres, sumasaluksok na lay-ups at tumatatak na gather step, ilan lamang yan sa mga nakakalaglag-pangang ipinamalas ni Jherico Cruz, isang shooting guard ng Ginebra San Miguel Beermen na nangibabaw matapos ang kanilang kapanapanabik na bakbakan kontra Barangay Ginebra sa PBA Governor’s Cup Best of Five Semi Finals.

              Katulad ng pagluluto, ang palakasan ay kinakailangan din ng sangkap tulad ng tiwala sa sarili, determinasyon, pag-eensayo at pananampalatay sa diyos na nararapat na taglayin ng isang manlalaro upang mapaunlad ang talento.

Katulad ng isang guryon, si Cruz ay nangarap na lumayag simula palang sa kaniyang murang edad. Ang kaniyang mga iniidulong manlalaro ang kaniyang naging inspirasyon upang paunlarin ang kaniyang kakayahan, ika nga niya. Simula noon ay araw-araw na siyang nag-eensayo kahit walang kasiguraduhan sa kaniyang mga ginagawa.

              Nang siya’y tumungtong sa elementariya, sumubok siyang pumasok sa basketball team ng kanilang paaralan upang mas mapaunlad pa ang kaniyang talento. Di nagtagal, sunod-sunod ang mga torneyo ng kanilang paaralan, hindi man lahat ng iyon ay pinalad silang manalo ay nagsilbi itong isnpirasyon sa kaniya upang mas paunlarin pa ang kaniyang kakayahan.

              Habang patuloy na tumtanda, ipinagpatuloy niya ang kaniyang nasimulan at doon ay unti-unti pang nahubogn ang kaniyang kakayahan hanggang sa tumungtong na sa kolehiyo. Siya ay naging manlalaro ng kanilang unibersidad at hindi niya napansin na dito na pala magsisimulang sisibol ang isang batikang manlalaro dahil sa kaniyang ipinakitang kagalingan sa mga kaniyang naging laro. Isang beteranong tagapagsanay ang nakapansin sa kaniyang kakayahan at hinikayat siya nito na subukangn pasukin ang mundo ng Philippine Basketball Association.

              Di nagtagal ay nakuha rin siya sa drafting bilang manlalaro ng San Miguel Beermen, ang kaniyang puspusang pag-eensayo ay mas naglapit sa kaniya para sa kaniyang pangarap. At sa loob ng liga, di parin maiwasan ang mga hamon kung kaya’t lahat ng ito ay kaniyang hinarap ng walang takot. Nang dumating na ang araw ng kanilang laban kontra sa Ginebra, dito niya na binuhos ang kaniyang tinatagong lakas at walang awang inapakan ang bawat manlalarong kinaharap hanggang sa tuluyang maibulsa ang tiket papuntang finals.

              Ang kanilang tagumpay ay unti-unti ng nag lalapit sa kaniya para sa pangarap, isang patunay na hindi imposibleng mangarap kung kasabay nito ay pagpupursige sap ag-abot nito. Siya ay ginawarang Most Valuable Player ng laro at ngayon ay puspusan ang kanilang pag-eensayo para sa paparating na sagupaan sa finals.

Scroll to Top