

Itaas o Baba, Sino nga ba?
ni Chavit Sison
Baha sa Cebu, ang mga daliri ay nagsisiliparan sa pagtukoy kung sino ngaba, ang mga may-ari o mga opisyal ng lungsod. Monterrazas, sa isang sulyap ay mahuhulma sa isipan kung paano ito binuo, kung ilang puno ang tinumba bago ang pundasyon ay naibuhos. Sa pagdating ng isang bagyo, ang isang katotohanan ay rumagasa mula sa bundok na kung saan ang Monterazzas ay matatagpuan, isang baha na sumira sa mga bahay-bahay sa isang nayon. Ang katotohanan ay lumitaw ng trahedya ay lumipas at nawala, sino nga ba ang sisihin, ang korporasyon ba na gumawa o ang mga taong nasa itaas na nagpasya?
Isang iglap, parang isang kabahayan lang na makikita sa mga panaginip, bagyo at ang mga disenyo ay parang nanggaling pa sa mga panaginip. At sa mga oras na nagdaan, ang Monterazzas ay isa sa mga tinitingala at ipinagmamalaki dahil sa angking kagandahan. Isang kakaiba na disenyo na kumuha sa sulyap ng mga mamamayan. Isang bundok, at isang subdivision, parang hindi tugma ngunit nakagawa,mga nakakabinging hiyaw ng pagpupuri at pagkamangha. Ngunit sa isang iglap lamang lahat ng papuri ay nawala, ng dahil sa isang bagyo, lumuntad ang matagal ng tanong ng bayan. Tama ba ang ginawa?
Hulmahan ng isang sakuna.
Tumama ang isang bagyo, bagsik, at nawalan ng buhay ang mga puno, ang mga tao na isa sa mga tumitingala sa isang kahanga-hangang disenyo ay tumungo na lang sa trahedya na nabuo. Monterrazas, isang malaking salot sa lipunan, kung ang tao lang noong nababaha ay nakakapag labas lang ng emosyon. Sa internet, ang mga tao ay naglabas ng kanilang sari-sariling galit, mga sari-saring komento tungkol sa Monterrazas. At sa ibang mga matang mapagmasid, may nakitang isang natatagong misteryo, kung may dulot na sakuna sa mga mamamayan, bakit hindi ito nakita at naaprubahan?
Ika ng korporasyon ng Monterrazas,” Hindi totoo” ang mga binibigay ang mga akusasyon sa kanila, na hindi sila ang dahilan ng malawakang pagbaha sa Cebu. Ngunit kita sa mga nagliliyab na mata ng masa, ang sumbat sa kanilang mga salita. Sa Barangay ng Guadalupe, kung saan matatagpuan ang Monterrazas, ay kitang-kita sa mga kalye ang dulot ng destinasyon na minsan ay hinganahan, maputik at ang mga kotse ay nabaha at sa tubig ay tila nagsiiliparan.
Sino nga ba?
At sa ibang panig, lumitaw rin ang mga nagawa ng mga taong nasa itaas. Eddie Llamedo, Laudemir Salac, iilan lang sa mga pangalan tila nagpakita sa ilalim ng imbestigasyon kung paano ang Monterazzas ay nagawa, kung ano ang mga alituntunin kung bakit ang Monterrazas ay naaprubahan upang mabuo. Sa panig ng korporasyon ng Monterrazas, kung ilan ang punong natumba, ay ganun din ang ibabaon sa lupa ngunit sa ibang lugar.
Ngayon, ang pagsisihan ay hindi pa natatapos, wala pang kaso kung “sino” ang nairaraos. Sino nga ba? Ang mga may-ari o silang mga nasa itaas na sa huli ay nagpasya? Ang Monterrazas ay isa na sa mga binibistang destinasyon sa Cebu, hindi sa kanyang kagandahan, ngunit sa dulot nitong mga perwisyo. Sisihin nga ba ang isa? o pwede ng magkasala ang dalawa?